Lagi ka bang nakaharap sa computer o kaya naman sa iyong cellphone? sa panahon ngayon halos lahat na ata ng tao ay may sariling Gadget na pwede i konekta sa internet. Imbes na pagkaabalahan ang mga bagay na wala naman idudulot na maganda sayo bakit di mo nalang ito gamitin para kumita ng pera? kaysa mag facebook at manood ng mga videos sa youtube araw araw ay gamitin ang mga libreng oras para ikaw ay kumita.
Suriing mabuti ang mga kakayahan o talento, mahilig ka ba magsulat, mag kwento nang kahit ano o kaya naman ay magbigay ng mga payo? pwede ka maging blogger gamit ang wikang kinalakihan o kaya naman ay sa ingles.
Napakaraming tao ang yumayaman gamit ang kanilang talento sa pagsusulat. Ang iba ay nakabili na nang mga sariling bahay o kaya naman ay kotse gamit ang perang kinikita nila sa pagba-blog.
Gamit ang iyong computer o kaya naman ay cellphone. subukang magsulat at baka isa ka sa mga taong yumaman gamit ito.
Maghanap ng mga Blogging platform na pwede mong gamitin para sa mga blog na isusulat mo para ito ay ma-publish at mabasa ng maraming tao. Ang mga popular na pwede mong gamitin ay tulad ng WordPress at Blogger. para kumita gamit ang pagba-blog ay mabuting mag umpisa sa blogger at mag apply ng adsense kapag madami ka nang nai-publish na articles.
Mag isip ng mga topic na sa tingin mo ay madali mong maisusulat. mas maganda kung magsisimula ka sa mga bagay na eksperto ka o kaya ay may idea ka na para hindi ka na mag saliksik at maghanda ng todo. Mag isip ng magandang pangalan para sa iyong blog, mas mainam kung ang ang pangalan ay ung kadalasang hinahanap o interesante basahin.
Magsulat ng mga post o articles na maayos at madaling maintindihan. importante din na dapat tama ang grammar lalo na kung ito ay ingles. para dumami ang iyong mambabasa o mga follower mo.
Magsulat ng magsulat ng mga post na sa tingin mo ay hinahanap ng mga tao. Mag search sa google ng mga topic na sa tingin mo ay interesante at gawan ng sariling blog ito.
Kung sa tingin mo naman ay may sapat ka nang blog o topic ay subukan mo nang mag apply para sa adsense. gamitin mo ang email address na ginamit mo sa pag register sa blog mo. hintayin mong maaprubahan ito at kung hindi ka palarin ay mag apply ka nalang ulit pagkalipas ng ilang araw o linggo. wag kalimutan na i-update at magdagdag ng mga blogs at isa sa mga importante ay paramihin ang mga mambabasa. kung sa tingin mo ay sapat na subukan muling mag apply.
Kahit ilang beses ka mag apply at mareject ay walang problema, isipin mo kung may kulang o kaya ay mali sa ginawa mong blog at subukang baguhin ito.
Kapag ikaw ay naaprubahan na, wag mo kalimutan na ilagay ang mga ads sa blog mo gamit ang Add Widget. Ipagpatuloy mo padin ang pagsusulat para dumami ang mga mambabasa at makagawa ng traffic, mas madaming traffic mas malaki ang kita.
Kung umabot ka na sa $10 ay padadalhan ka ng Google Adsense ng PIN sa iyong email address. Ito ay para maverify ang iyong address na nilagay noong ikaw nag aapply pa lamang. Sundin lang kung ano ang nakapaloob dito para ito ay maverify.
Dapat ay umabot ka muna sa $100 bago ipadala sayo ang kinita mo. Maaring gamit ang Western Union, Bank Transfer o kaya naman ay cheke, dipende na sayo kung ano ang pipiliin mo.
Please Share and Hit +1 Kung Nagustuhan Nyo Maraming Salamat :)


Pwede ba na mag apply sa adsense kahit andrpid ang gamit kasi yung akin ayaw eh
ReplyDelete