Wednesday, September 13, 2017

Paano gamitin ang Coins.PH account

Maraming paraan para kumita ng pera online. Isa sa mga paraan ay ang paggamit ng tinatawag na online wallet o ang Coins.ph.


Mag register ka pa nga lang ay may libre ka nang 50php basta may valid id ka tulad ng UMID or Drivers license. pwedeing gamitin ang inyong mobile number o kaya naman ay ang inyong gmail account sa pag re-register.

Ang pagloload nito ay napakadali lang. pumunta ka lang sa pinaka malapit na 7/11 stores sa inyong lugar at ibigay ang reference number na magseseng sa inyong mobile number o lilitaw kapag nag request ka ng Cash In. pwede ding ipa-scan mo nalang ung bar code para hindi ka na mahirapan.

Sa tuwing ginagamit mo ang coins.ph online wallet mo meron kang rewards na matatanggap tulad ng 5% rebate kapag nagpaload ka o kaya naman ay 5php cash back kapag nagbayad ka ng bills nyo tulad ng kuryente, tubig or internet.


May 50php  rewards ka na matatanggap tuwing nakaka pag refer ka ng isang kaibigan at may 100php cashback ka kapag naka limang unique transactions ka sa pagbabayad ng bills within a week.

Napakadali lang nya gamitin kaya mag register na din kayo para may extrang income kayo bukod sa walang habas nyong pagtatrabaho.


Bukod sa may Peso Online Wallet ka na may Bitcoins Online wallet ka pa. Maari nyong i-convert sa Bitcoin ang Peso nyo (Para sa mga may idea kung pano ito gamitin).

Related Links


Please Share and Hit +1 Maraming Salamat!

No comments:

Post a Comment