Dito natin malalaman ang mga hakbang na gagawin para ikaw ay kumita gamit ang YOUTUBE at ADSENSE Account
Mga Kinakailangan:
- Gmail Account (yan ang una syempre)
- Google Adsense Account (valid info ang ilagay nyo)
- Mga Original at Unique na Video Content na tanging ikaw lang ang gumawa. (Last Part na ito lalo na kapag approved na nang youtube ang adsense account mo)
PARAAN
Mag sign in sa youtube gamit ang inyong google account
kung wala ka pang gmail account ay gumawa ka muna.
Para malaman kung paano gumawa ng bagong Gmail Account ay pindutin ang link
Pagkatapos mo mag sign-in ay meron ka nang aktuwal na youtube account yehey! Maari ka na mag upload mga videos na dapat ay iyong pag aari para mamonetize natin at kumita gamit ang google adsense.
I-click ang GEAR icon sa inyong USER icon para sa SETTINGS.
Dito ay makikita mo ang iyong Account Overview. I-click ang view additional features
Sa page na ito, dito nyo makikita lahat ng impormasyon na pwede nyong gawin sa youtube account nyo. Bago tayo pumunta sa Monetization ay dapat ay gumawa ka muna ng Video na talagang GAWA mo. walang kinopya sa iba kahit background music dapat sarili mo nang hindi madetect ng youtube at ma BAN ang account mo.
Kapag may video ka na at ready ka na i upload ito. pindutin ang UP arrow na makikita sa tabi ng USER icon mo. pindutin ang create Channel.
I-upload ang video.
Bago mo i-PUBLISHED ay wag kalimutang ilagay lahat ng kaylangang detalye tulad ng description at tags para mas madali hanapin sa youtube ang inupload mo at gumawa ng matinding traffic dahil doon ka kikita.
Hayan marunong na tayo mag upload ng video. ang susunod naman na gagawin ay mag apply ng adsense sa youtube account mo dahil wala ka kikitain kahit singko kung hindi ito naka connect sa adsense.
Ngayon Balik tayo sa iyong Status and Features mapapansin mo na ung MONETIZATION ay naka ELIGIBLE na pindutin at
sundin lang ang procedure at i check lahat ng check box. Basahin at hindi lang basta basahin dapat ay INTINDIHIN at ISAPUSO mo ang laman ng youtube terms bago mo iaccept.
Ngayon kapag naaprubahan na ng YOUTUBE ang Adsense Account mo Balik ka sa Video Manager mo at i enable ang Monetization.
Kung hindi mo i eenable yan hindi ka kikita sa youtube adsense mo kaya wag mong kakalimutang balikan yan sa video manager ng youtube account mo.
Ayon sana ay nakatulong ang tutorial kong ito para makagawa kayo ng YOUTUBE + ADSENSE Account Simulan nyo nang mag upload ng mga ORIGINAL Videos no, dapat ORIGINAL kung hindi ay hindi papasok ang INCOME sa google ADSENSE mo.
Please Share and Hit +1 kung nagustuhan nyo maraming salamat :)









No comments:
Post a Comment